Suplay ng kuryente at komunikasyon pahirapan sa Northern Luzon

Bagsak ang serbisyo ng kuryente sa halos ay 80-percent sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay makaraang bayuhin ng malakas na ihip ng hangin at ulan ang buong lalawigan simula kaninang madaling-araw.

Naputol rin ang supply ng kuryente at komunikasyon sa lalawigan ng Cagayan, Ilocos Sur at Ilocos Norte ayon sa mga ulat na natatanggap ng NDRRMC.

Samantala, sinabi naman ng Pagasa sa kanilang advisory na kahit makapalas na bukas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang mata ng bagyong Ompong ay makararamdam pa rin ng malakas na ihip ng hangin at ulan ang malaking bahagi ng Luzon.

Sinabi naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi kaagad maibabalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na kasalukuyang binabayo ng bagyong Ompong.

Gayunman ay nakakalat na ang kanilang mga tauhan sa ilang mga lugar para sa mabilis na pagbibigay ng serbisyo kung kinakailangan.

Nakikipag-ugnayan na rin sa NGCP ang ilang mga electrical cooperative na dumaranas ngayon ng power outage.

Marami umanong mga linya ang naputol sa nasabing mga lalawigan dahil sa mga debris na tinangay ng malakas na hangin ng bagyong Ompong.

Read more...