Inanunsyo ng National Museum of the Philippines na sarado ang kanilang mga museo sa National Museum Complex sa Rizal Park, Maynila.
Sa pahayag ng National Museum, sinabi nitong ito ay dahil sa banta ng pagbaha sa Metro Manila.
Bunsod ito ng itinaas na orange alert ng PAGASA sa Metro Manila kaninang alas-6:00 ng umaga.
Magbubukas naman muli ang kanilang mga museo bukas, araw ng Linggo sa regular museum hours.
Samantala, sarado rin ang National Commission for Culture and the Arts Gallery sa Intramuros at Metroplitan Museum of Manila.
Ito ay dahil din sa masungit na panahong dala ng Bagyong Ompong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.