Drug suspek patay sa engkwentro sa mga pulis sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 15, 2018 - 05:15 AM
INQUIRER File Photo

Nasawi ang isang tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Barangay San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang nasawing suspek na si Wilford Garcia alyas Ninoy at kilala rin sa pangalang Joseph Garcia.

Nabatid na kabilang si Garcia sa drugs watchlist ng mga otoridad.

Ayon sa pulisya, matapos ang transaksyon at aktong aarestuhin na si Garcia ay bumunot ito ng baril at nagpaputok. Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga ulis na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Narekober mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu maging ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.