Mga bayan sa Isabela, patuloy na nararamdaman ang epekto ng #OmpongPH

Malakas na ulan at hangin ang naranasan sa lalawigan ng Isabela bago at matapos ang pag-land fall ng Bagyong Ompong.

Ang Northern Isabela ay isinailalim sa signal #4, habang ang Southern Isabela ay nasa signal #3.

As of 4:00 AM ay ramdam pa rin ang epekto ng bagyo sa Santiago City na nagdulot na pagsayaw ng mga puno at biglang pagpatay-sindi ng kuryente.

Sa ulat ng PDRRMC ng Isabela, bahagyang humina na ang ulan sa bahagi ng Ilagan City, pero malakas pa rin ang hangin.

Sa Cauayan, Jones, Roxas at Echague naman, malakas din ang hangin na naranasan.

Sa ngayon ay patuloy silang kumakalap ang impormasyon, lalo na kung may napinsala na bang naidulot ang Bagyong Ompong.

Sinabi ng PDRRMC ng Isabela na malaki rin ang naitulong ng pre-emptive measures at forced evacuation na kanilang ipinatupad.

Sa mga oras na ito ay patungo na kami sa Northern part ng Isabela, upang i-check ang sitwasyon ng mga residente na nasa evacuation centers.

Read more...