Nasawi ang isang 8 month old na sanggol matapos itong lumusot sa butas ng sahig ng kanilang bahay sa Albay at mahulog sa bahang dulot ng Bagyong Ompong.
Kinilala ang patay na sanggol na si Crissa Joy Porteria na natutulog nang mahulog sa baha.
Ayon sa mga magulang ng biktima, hindi nila napansin na nahulog ang bata at nakita na lang nila itong lumulutang.
Samantala, mahigit 20 pamilya sa bayan ng Polangui ang inilikas dahil sa masamang panahon.
Ang mga residente ay nananatili sa isang paaralan sa Bgy. Centro.
MOST READ
LATEST STORIES