16 babae kabilang ang 5 menor de edad, nailigtas ng pulisya mula sa umanoy bugaw
Nailigtas ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang 16 na babae kabilang ang 5 menor de edad mula sa umanoy bugaw matapos silang ialok sa mga turista sa isang resort sa Caloocan City.
Sa entrapment operation, nahuli ang suspect na si Raymond Falcotelo alias Kaye na tumanggap ng P4,500 marked mone y bilang paunang bayad para sa mga babae na sinasabing mag-eentertain sa mga Taiwanese guests sa private resort sa Old Zabarte Road sa Camarin, Caloocan City.
Ayon kay Chief Supt. William Macavinta, hepe ng PNP-WCPC, ang mga suspects ang nagbibigay ng mga babae sa mga parties at events lalo na sa private resorts.
Sinabi ni Macavinta na ang rate para sa serbisyo ng babae ay nasa pagitan ng P2,000 at P15,000.
Ang mga bugaw ay nakikipag-transaksyon sa pamamagitan ng Facebook at sa social media rin naghahanap ang mga suspects ng mga babaeng inaalok sa mga kliyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.