Presyo ng gulay sa Metro Manila, biglang bagsak presyo dahil sa bagyo
Biglang bagsak ang presyo ng ilang gulay sa mga palengke sa Metro Manila sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ompong sa Luzon.
Nasa P10 hanggang P20 kada kilo ang tapyas sa presyo ng ilang gulay dahil nadagdagan ang supply.
Ito ay dahil sapilitang inani ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto bago ang pagdating ng Bagyong Ompong.
Sa Mega Q-mart, nabawasan ng P10 kada kilo ang presyo ng repolyo, siling labuyo, pechay, carrots at patatas.
Mula P130 ay P120 na lang ang presyo ng kada kilo ng Carrots; ang pechay Baguio ay P100 mula sa P130 kada kilo; repolyo ay P100 mula sa P110 kada kilo at ang patatas ay P40 mula P50 kada kilo.
Sa Kamuning Market ay naglalaro sa P10 hanggang P30 ang bawas sa kada kilo ng sibuyas, sayote, Baguio beans, cauliflower, talong, kalabasa at ampalaya.
Sinabi ng mga tindero na dumami ang supply kaya mas mura ang bili nila sa mga gulay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.