Bagyong Ompong, patuloy na lumalapit sa Cagayan

By Rhommel Balasbas September 14, 2018 - 11:29 PM

Nagbago ang direksyong tinatahak ng Bagyong Ompong.

Ayon sa 11pm press briefing ng PAGASA, mula sa direksyong pa-Kanluran ay kumikilos na ang bagyo pa Kanluran-Hilagang-Kanluran na nagbibigay ng mas malaking tyansang tatama nito sa Cagayan.

Inaasahang tatama sa lalawigan ang bagyo sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng madaling araw.

Sa ngayon, ang lokasyon ng bagyo ay sa layong 190 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kilometro kada oras.

Wala nang tyansang magtaas pa ng Signal no. 5 sa iba pang lalawigan.

Sa ngayon nakataas ang Signal no. 4 sa Ilocos Norte, Cagayan, northern Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, at Babuyan Group of Islands.

Signal no. 3 ang nakataas sa Batanes, southern Isabela, Ilocos Sur, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.

Signal no.2 naman sa Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, southern Aurora, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Quezon kasama ang Polillo Islands.

Habang nasa ilalim ng signal no. 1 ang Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Rest of Quezon, Lubang Is.,Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Burias Island.

Posibleng umabot sa anim na metro ang storm surge sa mga surge prone areas sa Cagayan at Ilocos Norte habang anim na metro sa Isabela at Ilocos Sur.

Pinalalakas din ng Bagyong Ompong ang Habagat na nagdadala ng paminsan-minsang malalakas na ulan sa Visayas, Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management councils na tumutok sa weather advisory na ilalabas mamayang alas-3:00 ng madaling-araw.

TAGS: #OmpongPH, Cagayan, isabela, PAGASA DOST, Radyo Inquirer, #OmpongPH, Cagayan, isabela, PAGASA DOST, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.