27 patay sa nasunog na heavy metal club sa Bucharest

Survivors of a fire that occurred in a club in Bucharest, are led away from the scene wrapped in a thermal blanket early Saturday, Oct. 31, 2015. A heavy metal band's pyrotechnical show sparked a deadly fire Friday at a Bucharest nightclub, killing more than 20 people and injuring scores of the club's mostly youthful patrons, officials and witnesses said. (AP Photo/Vadim Ghirda)
AP Photo

Umabot sa 27 ang patay sa naganap na malaking sunog sa isang club sa downtown Bucharest sa Romania.

Sa ulat ng mga otoridad, ito na ang pinaka-malala sa kanilang kasaysayan kung saan karamihan sa mga biktima ay pawang mga kabataan.

Sa paunang report ng mga otoridad doon, kasalukuyang nagsasagawa ng heavy metal performance ang mga sikat na banda sa Bucharest nang maganap ang trahedya.

Sinabi ni Raed Arafat, spokesman ng Emergency situation team sa lugar na pyrotechnic materials ang pinagmulan ng sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy at na-trap ang mga biktima habang sumasabay ng sayaw sa awitin ng mga rock performers.

Sinabi ng naturang opisyal na hindi na halos makilala ang mga bangkay ng biktima dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo mula sa apoy.

Nasa ospital naman ngayon ang 146 na iba pang mga biktima na karamihan ay nagtamo ng 3rd degree burn sa kani-kanilang mga katawan.

Read more...