Bilang ng mga maaring maapektuhan ng TY Ompong ibinaba sa 4.24 milyon ng NDRRMC

By Alvin Barcelona September 14, 2018 - 08:00 PM

Gonzaga, Cagayan | Kuha ni Erwin Aguilon

Bumaba sa 4.24 milyong residente o mahigit na 848,000 pamilya ang tinatayang maapektuhan ng bagyong Ompong sa buong bansa.

Paliwanag ni NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, mas mababa ito sa kanilang naunang pagtaya dahil bumaba ang track ng bagyo.

Sa nasabing bilang mahigit na 822,000 ay nabibibilang sa hanay ng mahihirap.

Pinakamarami sa maapektuhan ang Cagayan na may 1,199,320 residente habang ang pangalawa ay ang Isabela na may 1,190,602.

Sa kabuuan, 158 na munisipalidad ang lantad sa panganib ng bagyo.

Umaabot naman sa 15, 328 na indibidwal o 3,510 na pamilya ang panasamantalang naninirahan ngayon sa 1,736 na mga evacuation center na nakakalat sa mga lugar na inaasahang maapektuhan ng bagyong Ompong.

Samantala umakyat na sa lima ang mga rehiyon na inilagay na nila sa red alert status kabilang ang Region 1,2,3, Cordillera Administrative Region at Calabarzon.

TAGS: Radyo Inquirer, Typhoon Ompong, weather, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.