LOOK: Cancelled flights ng AirAsia sa Sept. 15 (Sabado) at Sept. 16 (Linggo)

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 07:06 PM SHARE(S):

Marami na ring kanseladong biyahe ng AirAsia Philippines dahil sa bagyong Ompong.

Sa abiso ng AirAsia kinansela ilan nilang domestic at international flights.

Kabilang sa mga kanselado ang sumusunod na biyahe:

AIR ASIA SEPT. 15 FLIGHT CANCELLATIONS

  • Z20432 Manila – Puerto Princesa
  • Z20433 Puerto Princesa – Manila
  • Z20782 Cebu – Manila
  • Z20783 Manila – Cebu
  • Z20625 Manila – Davao
  • Z20626 Davao – Manila
  • Z20769 Manila – Cebu

 

AIR ASIA SEPT. 16 FLIGHT CANCELLATIONS

  • Z20770 Cebu – Manila
  • Z21264 Manila – Hong Kong
  • Z21264 Hong Kong – Manila
  • Z20088 Manila – Macao
  • Z20089 Macao – Manila

Inialok na ng AirAsia sa kanilang mga pasahero ang iba’t ibang opsyon na pwede nilang pagpilian bunsod ng nakanselang mga biyahe.

Ang mga pasahero na apektado ng flight cancellations ay maaring gamitin ang sumusunod na recovery options:

Move flight – o magpa-reschedule ng kanilang flight sa bagong petsa pero sa parehong ruta sa loob ng 30 araw mula sa iriginal flight time.

Change destination – magpapalit ng ibang flight destination na sakop ng mga biyahe ng AirAsia sa loob ng 30 araw mula sa original travel date.

Credit account – kung saan ang halaga na ibinayad sa ticket ay itatagon muna sa AirAsia BIG Loyalty account para sa magamit sa susunod na biyahe.

TAGS: air asia, flight cancellations, air asia, flight cancellations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.