Ro-Ro na humampas sa pantalan sa Tubigon, Bohol naialis na

By Len Montaño September 14, 2018 - 06:53 PM SHARE(S):

Natanggal na ang roll-on roll-off vessel na humampas sa pantalan sa Mocaboc Island sa Tubigon, Bohol.

Ayon kay Seaman First Class Phillip Michael Tan ng Philippine Coast Guard (PCG)-Tagbilaran Station, nadala na sa pantalan ng Tubigon ang MV Lite Ferry 27 matapos matanggal nang mag-high tide Biyernes ng umaga.

Galing ng Mandaue City ang Ro-Ro nang humampas ito sa Tubigon Port dahil sa limitadong visibility ng lighthouse sa lugar na guide sana sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat.

Sinabi ni Tan na nagkamali ng kalkulasyon ang kapitan kaya nagkamali ng lapit sa pantalan.

Rumesponde ang Tubigon seaborned patrol at nailigtas ang 63 pasahero.

Ang Ro-Ro ay pag-aari ng Lite Shipping Company.

 

TAGS: RoRo, Tubigon Port, RoRo, Tubigon Port

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.