Licensure Examination for Physicians sinuspinde dahil sa bagyong Ompong

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 06:38 PM SHARE(S):

Kinansela na ng Professional Regulation Commission o PRC at ng Professional Regulatory Board of Medicine ang naka-schedule na Physicians Licensure Examination (PLE) bukas, araw ng Sabado, Sept. 15 at sa Sept. 16 araw ng Linggo.

Sa abiso sa publiko, sinabi ng PRC na hindi na muna itutuloy ang nasabing pagsusulit na gaganapin sa Maynila, Baguio, Cebu at Davao.

Ito ay dahil sa epekto ng bagyong Ompong.

Ayon sa PRC base sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA ay maaapektuhan ng Ompong ang Baguio City na kabilang sa venue ng pagsusulit.

Iaanunsyo na lamang ng PRC kung kailan muli itatakda ang PLE.

TAGS: Physicians Licensure Examination, Professional Regulation Commission, Professional Regulatory Board of Medicine, Physicians Licensure Examination, Professional Regulation Commission, Professional Regulatory Board of Medicine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.