Mahigit 8,000 katao inilikas na sa Isabela bago ang pagtama ng bagyo

Umabot na sa 8,319 na mga residente ang inilikas sa Isabela na pawang naninirahan sa low-lying areas dahil sa bagyong Ompong.

Karamihan sa mga inilikas ay mula sa apat na coastal towns kabilang ang Maconacon (440 families / 1,498 katao), Divilacan (232 families / 1,146katao), Palanan (382 families / 1,469 katap) at Dinapigue (204 families / 679 katao).

Ang Maconacon, Divilacan at Palanan ay naaabot lamang sa pamamagitan ng bangka o eroplano.

Sa pagtaya ng PAGASA ay tatama ang bagyo sa Isabela-Cagayan area, Sabado ng madaling araw.

Read more...