1 ang patay, 10 sugatan sa gas explosions sa Boston

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 05:54 PM SHARE(S):
TWITTER PHOTO | Ronnie Forchheimer

Nakapagtala na ng isang nasawi at 10 naman ang nasugatan sa naganap na gas explosions na sinundan ng sunog sa Northern Boston.

Ayon sa mga otoridad, nasawi ang isang lalaki na nakilalang si Leonel Rondon matapos na mabagsakan ng debris ng chimney ang kotse nito.

Sinabi ni Gov. Charlie Baker, 10 iba pa ang nasugatan sa insidente.

Naganap ang pagsabog sa hindi bababa sa 17 mga residential areas sa sa lugar dahil sa over-pressurized natural gas lines.

Ayon sa kumpanyang Columbia Gas na nagmamay-ari ng linya, nagsagawa agad sila ng safety checks matapos ang serye ng pagsabog.

Wala namang paliwanag ang kumpanya kung ano talaga ang naging dahilan ng insidente.

TAGS: Boston Fire, Explosion, gas leak, Radyo Inquirer, Boston Fire, Explosion, gas leak, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.