Signal No. 4 itinaas na sa Cagayan at Northern Isabela dahil sa TY Ompong

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 05:33 PM

Lalo pang bumilis ang kilos ng Typhoon Ompong habang nagbabanta pa rin sa Isabela-Cagayan area.

Huling namataan ang bagyo sa 340 km Silangan Hilangang Silangan ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos na ngayon ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyon west northwest.

Taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 255 kilometers bawat oras.

Nakataas na ngayon ang public storm warning signal number 4 sa Cagayan at Northern Isabela.

Kapag bumayo na ang lakas ng hangin sa ilalim ng signal number 4 ay kakayaning maiangat ang sasakyan at mahihirapan nang tumayo ang isang tao.

Signal number 3 naman sa sumusunod na lugar:

 

  • Babuyan Group of Is.
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Apayao
  • Abra
  • Kalinga
  • Province
  • Benguet
  • Ifugao
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Northern Aurora
  • Southern Isabela

 

Signal Number 2:

  • Batanes
  • La Union
  • Pangasinan
  • Tarlac
  • Nueva Ecija
  • Southern Aurora
  • Northern Zambales

 

Signal Number 1:

  • Southern Zambales
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Bataan
  • Rizal
  • Metro Manila
  • Cavite
  • Batangas
  • Laguna
  • Quezon kabilang ang Polilio Is.
  • Northern Occ. Mindoro kabilang ang Lubang Is.
  • Northern Oriental Mindoro
  • Masbate
  • Marinduque
  • Camarines Norte

Ayon sa PAGASA sa pagitan ng ala 1:00 ng madaling araw at alas 3:00 ng madaling araw inaasahang tatama sa lupa ang bagyo.

Sinabi rin ng PAGASA na maliit na ang tsansa na magtaas pa ng hanggang public storm warning signal number 5.

TAGS: Cagayan, Northern Isabela, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong, Cagayan, Northern Isabela, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.