Forced evacuation ipinatupad na sa coastal areas sa Pangasinan

Ipinag-utos na rin ni Pangasinan Gov. Amado Espino III ang pagpapatupad ng forced evacuation sa mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar.

Sa memorandum na nilagdaan ng gobernador, inaatasan ang lahat ng alkalde at mga kapitan ng barangay na ilikas na ang mga naninirahan sa low-lying at coastal areas.

Ang mga ililikas na pamilya ay dadalhin sa mga itinakdang evacuation centers sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan.

Hiniling din ni Espino sa Philippine National Police na tulungan sila sa paglilikas sa mga residente.

Sinabi ni Espino na dahil nakataas ang storm warning signal number 2 ay mayroong babala ng storm surge sa mga baybayin sa lalawigan.

Read more...