Dalawa pang dam sa Luzon nagpakawala ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 04:30 PM SHARE(S):
Magat dam in Ramon, Isabela. PDI photo / Richard A. Reyes

Maliban sa Magat Dam dalawa pang dam sa Luzon ang nagpapakawala na ng tubig.

Ayon kay PAGASA Hydrologist Richard Orendain, ang Ambuklao Dam sa Benguet ay nagbukas ng apat na gate .

As of alas 10:00 kasi ng umaga, umabot na sa 751.02 meters ang water level sa Ambuklao na malapit na sa 752 meters na spilling level nito.

Ang Binga Dam sa Benguet nagbukas na rin ng apat na gate.

Ang water level sa Binga ay nasa 573.85 meters na, malapit na rin sa spilling level nito na 575 meters.

Ang Magat Dam sa Isabela ay hapon pa ng Huwebes nagsimulang magpakawala ng tubig.

TAGS: Ambuklao dam, Binga dam, Magat Dam, Ambuklao dam, Binga dam, Magat Dam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.