Russian plane na may sakay na 224 katao bumagsak sa Egypt
Kinumpirma ni Egyptian Prime Minister Sharif Ismail na bumagsak sa karagatang sakop ng kanilang bansa ang isang Russian Commercial Plane ilang minute mula nang ito’y mag-take-off sa isang exclusive resort malapit sa Red Sea.
Sakay ng Metro Jet flight 7k9268 ang 217 passengers at 7 crews nang maganap ang trahedya.
Sa paunang report ng control tower sa Sharm-el-Sheika, papuntang Russia ang nasabing chartered flight sakay ang maraming Russian tourists ng mapansin nila ang unti-unti nitong pagbaba hanggang sa tuluyan nang mawalang ng signal sa kanilang radar pasado alas-dos ng hapon oras sa Pilipinas.
Sinasabing bumagsak ang nasabing eroplano sa Sinai Peninsula ilang milya lamang ang layo sa pinagmulan na Sharm-el-Sheika.
Nagpapatuloy pa rin sa pagkuha ng detalye ang mga aviation investigators kaugnay sa nasabing plane crash.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.