NCRPO Chief Guillermo Eleazar binastos ng hotel security guards

By Jan Escosio September 14, 2018 - 03:48 PM

Hindi iginalang ng tatlong security guards ng Shangri-La BGC sa Taguig City si NCRPO Director Guillermo Eleazar.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), alas 7:30 ng gabi ng Huwebes (Sept. 13) nang mangyari ang insidente.

Sa kuwento mismo ni Eleazar sinabi nito na sakay siya ng kanyang service na itim na Mitsubishi Montero na may tatak na NCRPO at papasok ng driveway ng hotel nang harangin sila ng dalawang guwardiya.

Aniya nagpakilala na siya at sinabing nagmamadali sa kanyang appointment ngunit isa sa mga guwardiya ang pasigaw na nagsabing, mga senador nga na walang coordination ini-inspect namin.

Sinabi ni Eleazar na ipinagtataka niya kung bakit kailangan pang buksan ang compartment ng isang police vehicle na may sakay na opisyal.

Kinilala ang mga guwardiya na humarang kay Eleazar na sina Jonathan Agrito at Harold Burgos maging ang K9 handler na si Glen Garcia, pawang taga-Agro Security Service.

Ipatatawag ng Taguig City Police ang tatlo maging ang security manager ng hotel para magpaliwanag ukol sa insidente.

TAGS: BGC, hotel guards, NCRPO, Radyo Inquirer, BGC, hotel guards, NCRPO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.