Bagyong Ompong bumilis; Signal No.3 nakataas sa 12 lugar sa bansa
Bahagyang bumilis ang kilos ng Typhoon Ompong habang nagbabanta pa rin sa Isabela-Cagayan area.
Ala 1:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa 470 kilometers East ng Baler, Aurora.
Kumikilos na ngayon ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyon west northwest.
Taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 255 kilometers bawat oras.
Nakataas na ngayon ang public storm warning signal number 3 sa labingdalawang lugar sa bansa.
Narito ang mga lugar na nakasailalim sa storm warning signals:
Signal No. 3:
- Cagayan incl. Babuyan group of Is.
- lIocos Norte
- lIocos Sur
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Nueva Vizcaya
- Quirino
- Northern Aurora
- Isabela
Signal No. 2:
- Batanes
- La Union
- Benguet
- Pangasinan
- Tarlac
- Nueva Ecija
- Southern Aurora
- Northern Zambales
Signal No. 1:
- Southern Zambales
- Pampanga
- Bulacan
- Bataan
- Rizal
- Metro Manila
- Cavite
- Batangas
- Laguna
- Quezon incl. Polillo Is.
- Northern Occidental Mindoro incl. Lubang Is.
- Northern Oriental Mindoro
- Masbate
- Marinduque
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Burias and Ticao Islands
- Northern Samar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.