Tubig na inilalabas ng Magat Dam mas dinamihan pa

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 03:01 PM SHARE(S):
Magat dam in Ramon, Isabela. PDI photo / Richard A. Reyes

Patuloy sa pagpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Isabela.

Sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Isabela mula sa 5 meters ay itinaas sa 6 meters ang Spillway Radial Gate opening ng dam.

Tinatayang aabot sa 1,131 cubic meters ang inilalabas nito.

Payo ng PDRRMO ng Isabela sa publiko, iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog.

Kung mayroong alagang hayop ay dalhin ang mga ito sa ligtas na lugar.

Pinayuhan din ang publiko na mag-antabay sa mga susunod pang abiso.

 

TAGS: isabela, Magat Dam, PDRRMO, Radyo Inquirer, isabela, Magat Dam, PDRRMO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.