Kalahating milyong pabuya inialok ng gobyerno para sa ikadarakip ni Peter Lim

By Ricky Brozas September 14, 2018 - 02:14 PM SHARE(S):

Nag-alok na ng pabuya ang pamahalaan para sa mabilis na ikadarakip ng grug lord na si Peter Go Lim.

P500,000 ang alok na pabuya ng gobyerno sa sinomang makapagtuturo kay Lim na tinaguriang drug lord sa Central Visayas.

Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay naglabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court B65 laban kay Lim sa kinakaharap niyang kasong conspiracy to commit drug trade.

Kasabay ng alok na pabuya, nagbabala din ang DOJ na mahaharap sa kasong kriminal ang sinumang mapatutunayang nagkakanlong kay Lim.

 

TAGS: DOJ, Peter Lim, Radyo Inquirer, DOJ, Peter Lim, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.