Mga gabinete ni Pang. Duterte nagtungo na sa mga lugar na tatamaan ng bagyo

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 02:10 PM SHARE(S):
DOTr Photo

Nasa Cagayan na sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Ito ay kasunod na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete nito na magtungo sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong.

Nakipagpulobg na ang dalawang kalihim kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

Inalam din ng mga opisyal ang kahandaan ng Philippine National Police (PNP) Region 2 sa pagtama ng bagyo.

TAGS: Arthur Tugade, Cagayan, Ompong, Silvestre Bello, Arthur Tugade, Cagayan, Ompong, Silvestre Bello

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.