Landbank magpapatupad na ng mas mababang daily transaction limit

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 01:13 PM SHARE(S):

Epektibo sa September 17, araw ng Lunes ipatutupad ng Landbank ang bagong limit sa daily transactions ng kanilang mga kliyente.

Sa abiso ng Landbank mula sa dating P50,000 ay magiging P30,000 na lamang ang limit na pwedeng i-withdraw ng kanilang kliyente sa isang araw.

Ang naturang limit ay pinagsamang transaksyon na sa ATM o P.O.S. Cash-Out.

Kung gagamitin naman ang ATM/Debit Card ng Landbank sa pagbili, mula sa dating P50,000 ay ibinaba din sa P30,000 ang limit sa Visa Online/eCommerce at sa BancNet Online/eCommerce.

Habang total daily limit sa pag-purchase ay mananatili sa P100,000.

TAGS: daily transaction limit, Landbank, daily transaction limit, Landbank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.