Pangulong Aquino naipit sa trapik sa EDSA

By Den Macaranas October 31, 2015 - 04:55 PM

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Inamin ni Pangulong Noynoy Aquino na pati siya ay nagdudusa rin sa napakabagal na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Sa panayam ng mga mamamahayag, inamin ng pangulo na naipit siya ng husto kahapon sa kanyang pagdaan sa EDSA pero hindi na niya binanggit kung anong oras ito nangyari.

Sinabi rin ng pangulo na wala siyang balak ipamana ang nasabing problema sa kung sino man ang susunod na lider ng bansa sa 2016 kaya ngayon pa lang ay pilit nilang hinahanapan ng solusyon ang problema.

Ipinaliwanag ni PNoy na kinausap na niya ang bagong talagang pinuno ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na linisin kaagad ang mga traffic obstruction pati na ang mga bangketa.

Inatasan din ng pangulo si bagong MMDA Chairman Emerson Carlos na bilisan ang pag-aalis ng mga nakaharang sa Mabuhay lanes na karaniwang ginagamit tuwing panahon ng kapaskuhan.

Kabilang sa mga kalsadang ito ang kahabaan ng West, Mindanao at Quezon Avenues sa Quezon City, Estrella sa Makati City at Barangka Drive sa lungsod ng Marikina.

Inamin rin ng pangulo na malaki ang epekto ng mabilis na pagdami ng mga bagong kotse at mga motorsiklo sa mga lansangan.

Kanyang ipinaliwanag na ang kapasidad ng EDSA ay 13,000 vehicles per hour lamang pero ngayon ay umaabot na ito sa 18,000 kada oras.

 

TAGS: edsa, PNoy, traffic, edsa, PNoy, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.