LOOK: Mahigit 1,500 na residente inilikas sa Gonzaga, Cagayan

By Erwin Aguilon September 14, 2018 - 12:54 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Cagayan – Aabot na sa mahigit 1,500 indibidwal ang kasalukuyang kinakanlong sa Gonzaga People’s Gym sa Gonzaga, Cagayan.

Ayon sa mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Gonzaga ang mga inilikas ay aabot na sa 1,633 na katao o katumbas ng 428 na pamilya.

Inilikas sila sakay ng truck ng Philippine Marines mula sa anim na barangay sa bayan ng Gonzaga.

Karamihan sa mga residente ay mula sa mga coastal barangay ng nasabing bayan.

Ang iba sa mga nasa evacuation centers ay nag-boluntaryo nang lumikas sa takot na mapinsala ng bagyo.

Mayroong 25 barangay ang bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Patuloy pa rin naman ang pagdating ng mga evacuees sa nasabing evacuation center.

TAGS: Gonzaga Cagayan, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong, Gonzaga Cagayan, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.