Dating driver ng convicted drug lord na si Peter Co patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 12:44 PM SHARE(S):

Patay makaraang tambangan ng limang suspek ang dating driver ng convicted drug lord na si Peter Co sa Batangas City.

Naganap ang pananambang habang patungo sa korte ang biktimang si Ervis Areglo kasama ang mga escort personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon Police, dadalo sa pagdinig sa korte si Areglo nang siya ay pagbabarilin, Biyernes (Sept. 14) ng umaga.

Si Areglo ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illegal drug trade.

Taong 2006 ang sya ay maaresto kasama ng dalawang iba pa sa Lipa, City dahil sa pagbibiyahe sa malaking halaga ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga.

Kilala rin siyang supplier ng droga sa Batangas at nang makulong ay kinilalang lider ng mga bilanggo at tinagurian siyang “Boss Elvis”.

TAGS: ambush incident, batangas city, Ervis Areglo, peter co, Radyo Inquirer, ambush incident, batangas city, Ervis Areglo, peter co, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.