Forced evacuation sa mga high risk area sa Tuba, Benguet ipinatupad na

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 12:21 PM

Nagpatupad na ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng Tuba Benguet sa mga itinuturing na high risk areas sa Tuba, Benguet.

Sa executive order na nilagdaan ni Tuba Mayor Ignacio Rivera, iniutos na nito ang pwersahang paglilikas sa mga residente na nasa Kiangan Village, Camp, Laaw at Camp 4.

Ang nasabing mga lugar ay itinuturing na high risk sa landslide.

Nakasaad sa kautusan na ang lahat ng ililikas na pamilya ay dadalhin sa mga paaralan at pasilidad ng mga barangay.

Binanggit din ng alkalde na sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo ay walang residente na papayagan na bumalik sa kanilang mga lugar na parte ng itinuturing na high risk areas para maiwasan ang casualty.

TAGS: benguet, forced evacuation, high risk areas, tuba, benguet, forced evacuation, high risk areas, tuba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.