Mga naka-schedule na laban sa UAAP bukas, Sept. 15 kinansela na

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 12:05 PM SHARE(S):

Kinansela na ng UAAP ang mga nakatakdang laro bukas dahil sa sama ng panahon.

Sa pahayag, sinabi ni UAAP Season 81 President Nilo Ocampo na matapos ang ginawang konsultasyon nagpasya silang kanselahin na ang laro.

Ito ay para matiyak aniya ang kaligtasan ng kanilang mga manlalaro at mga manonood ng laban.

Kabilang sa nakatakdang laro bukas sa Men’s Basketball ay ang UP vs UE alas 2:00 ng hapon at NU vs UST alas 4:00 ng hapon sa MOA Arena.

Iaanunsyo na lamang ng UAAP kung kailan itatakda ang laban.

TAGS: basketball, Radyo Inquirer, sports, UAAP, basketball, Radyo Inquirer, sports, UAAP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.