Pampasaherong bangka bumaligtad sa Samar; ligtas ang 8 sakay

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 11:26 AM SHARE(S):

Isang pampasaherong bangka ang bumaligtad sa karagatang sakop ng Catbalogan City sa Samar, Huwebes ng gabi dahil sa lakas ng hangin na nagdulot ng malalakas na alon.

Nakaligtas naman ang lahat ng sakay ng M/B CA3J Signwater kabilang ang mag-asawang may-ari ng bangka na sina Evelyn at Joseph Duran.

Ayon kay Seaman First Class Noel Ortega ng Coast Guard Station sa Catbalogan, sakay din ng bangka sina Oliver Bueno, Rexan Duran, Jun Villegas, Jovito Bueno, at dalawang hindi pa nakilalang pasahero.

Patungo sana sa Barangay Singko ang bangka na isang island village nang ito ay bayuhin ng malalaking alon.

Agad namang nakatawag ang mag-asawang Duran para humingi ng saklolo.

TAGS: Catbalogan, Coast Guard Station, M/B CA3J Signwater, Catbalogan, Coast Guard Station, M/B CA3J Signwater

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.