Drug suspect patay, 3 iba pa arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Lucena

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 10:40 AM SHARE(S):
Police banner

Patay ang isang hinihinalang drug pusher habang arestado ang tatlong iba pa sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa sa Lucena City.

Ayon kay Supt. Romulo Albacaea, Lucena police chief, nasawi ang suspek na si Norberto Pañoso nang ito ay manlaban sa mga pulis sa Barangay Market View ala 1:00 ng madaling araw.

Nagpostibo ang buy bust na ikinasa ng mga pulis laban kay Pañoso at binentahan nito ng shabu ang undercover police officer, pero nanlaban ang suspek nang siya ay aarestuhin na kaya binaril siya ng mga otoridad.

Sa Lucena pa rin, naaresto naman ng mga pulis ang suspek na si Meynard Volpane sa parehong barangay.

Nasabat kay Volpane ang siyam na plastic sachets ng shabu na tinatayang nasa P1,110 ang halaga.

Sunod na nadakip sa naturang barangay din ang mga suspek na sina Archie Garcia at Adrian Albina na nakuhanan naman ng anim na plastic sachets ng shabu.

Sina Garcia at Albina ay dati na umano sumuko sa mga pulis pero nagpatuloy pa rin sila sa ilegal na gawain.

 

TAGS: buy bust oepration, Lucena City, Radyo Inquirer, buy bust oepration, Lucena City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.