Br. 50 ng Makati RTC hindi rin naglabas ng arrest warrant vs Trillanes

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio September 14, 2018 - 10:31 AM SHARE(S):

Wala pa ring arrest warrant at hold departure order na inilabas ang isa pang branch ng Makati Regional Trial Court (RTC) laban kay Senator. Antonio Trillanes IV.

Sa isinagawang pagdinig ng Makati RTC Branch 50 nagpasya si Judge Elmo Alameda na pagsumitehin muna ng reply ang Department of Justice (DOJ) sa inihaing komento ni Trillanes sa loob ng limang araw.

Matapos ito, bibigyan muli ng limang araw naman ang kampo ni Trillanes para maghain ng rejoinder.

Ang nasabing pagdinig ay kaugnay sa inihaing mosyon ng DOJ na humihiling na maglabas ng warrant of arrest at HDO ang Makati RTC Branch 50 para sa kasong rebelyon ng senador.

TAGS: Branch 50 Makati RTC, Rebellion case, trillanes, Branch 50 Makati RTC, Rebellion case, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.