Sa pahayag na inilabas ng Volkswagen kinumpirma nito na hindi na sila gagawa ng Beetle compact car.
Ang nasabing modelo ay nagsimula pa noong 1960s.
Magugunitang noong 1990s, naglabas pa ang kumpanya ng “New Beetle” na nag-hit sa merkado at nakabenta sila ng aabot sa 80,000 nito sa Estados Unidos noong 1999.
Ngayong taong 2018, sinabi ng Volkswagen na nakapagbenta sila ng 11,151 na Beetles sa unang walong buwan ng taon, mababa lang ito ng 2.2 percent sa sales ng Beetle sa parehong buwan noong nakaraang taon.
MOST READ
LATEST STORIES