LOOK: Mga kanseladong biyahe patuloy na nadaragdagan

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 09:41 AM SHARE(S):

Patuloy pang dumarami ang bilang ng mga kanseladong biyahe ngayong araw (Sept. 14) dahil sa Typhoon Ompong.

Sa abiso ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) as of Biyernes ng umaga, aabot sa mahigit 40 ang kanseladong mga biyahe na pawang domestic at international sa iba’t ibang terminal ng NAIA.

Mayroon ding kanselado na biyahe mula sa ibang paliparan sa bansa lalo na sa mga lugar na apektado ng bagyong Ompong.

Narito ang listahan ng mga kanseladong biyahe ng eroplano as of 9:30 ng umaga ng Biyernes, Sept. 14:

PHILIPPINE AIRLINES (SEPT. 14 CANCELLATIONS)

  • PR2935 Clark – Virac
  • PR2936 Virac – Clark
  • PR2482 Tagbilaran – Seoul (Incheon)
  • PR2688 Clark – Basco
  • PR2689 Basco – Clark
  • PR2614 Clark – Tuguegarao
  • PR2615 Tuguegarao -Clark
  • PR832 Davao – Clark

XIAMEN AIRLINES (SEPT. 14 CANCELLATIONS)

  • MF 819/820 XIAMEN-MANILA-XIAMEN
  • MF 8667 XIAMEN-MANILA

CEBU PACIFIC (SEPT. 14 CANCELLATIONS)

  • 5J 506/507 MANILA-TUGUEGARAO-MANILA
  • 5J 192/193 MANILA-CAUAYAN-MANILA
  • 5J 821/822 MANILA-VIRAC-MANILA
  • 5J 504/505 MANILA-TUGUEGARAO-MANILA

AIR SWIFT (SEPT. 14 CANCELLATIONS)

  • T6 837/838 MANILA-BASCO-MANILA

CEBGO (SEPT. 14 CANCELLATIONS)

  • DG 6111/6112 MANILA-NAGA-MANILA
  • DG 6009/6010 MANILA-BASCO-MANILA

SKYJET (SEPT. 14 CANCELLATIONS)

  • M8 816/817 MANILA-BASCO-MANILA
  • M8 421/422 MANILA-SIARGAO-MANILA
  • M8 715/716 MANILA-BUSUANGA-MANILA

Dahil sa epekto ng bagyong Ompong ang lahat ng mga pasahero na mayroong biyahe ngayon at bukas ay pinapayuhan ng MIAA na tumawag muna sa airline company para masiguro kung tuloy ang kanilang biyahe.

Maari silang magpa-schedule ng rebooking o humingi ng refund ng pamasahe.

TAGS: flight advisories, flight details, flight suspensions, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, weather, flight advisories, flight details, flight suspensions, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.