LOOK: Ilang Consular Office ng DFA sarado ngayong araw at bukas

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 09:23 AM SHARE(S):

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na sarado ang ilan nilang consular office ngayong araw at bukas dahil sa bagyong Ompong.

Kabilang sa mga isinarang consular office ang mga sumusunod:

• Angeles City, Pampanga
• San Fernando, Pampanga
• Calasiao, Pangasinan
• San Fernando, La Union
• Santiago, Isabela
• San Nicolas, Ilocos Norte
• Tuguegarao, Cagayan

Ayon sa DFA muli silang maglalabas ng abiso kung makapagbubukas ba ang nasabing mga consular office sa Lunes, Sept. 17.

Ang mga passport applicant na naka-schedule para sa nasabing petsa ay i-aaccommodate sa ibang mga araw.

TAGS: consular offices, DFA, consular offices, DFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.