Publiko pwedeng manatili sa Ayala Malls magdamag; kinansela rin ang paniningil ng overnight parking

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 08:55 AM SHARE(S):

Binuksan ng Ayala ang kanilang mga mall sa publiko na maaring maapektuhan ng Bagyong Ompong.

Sa abiso ng Ayala Malls mayroong itinakdang lugar at restrooms sa lahat ng kanilang mall kung saan pwedeng manatili at magamit overnight.

Waived na din o hindi na maniningil ng overnight parking ang Ayala Malls para sa araw na ito.

Sinabi ng Ayala na mahalaga sa kanilang ang kaligtasan ng kanilang customers.

Aplikable ang abiso ngayong araw Sept. 14 at muling maglalabas ng abiso ang Ayala kung ito ay palalawigin pa.

 

TAGS: ayala malls, BUsiness, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong, ayala malls, BUsiness, Radyo Inquirer, Typhoon Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.