Signal #3 nakataas na sa Northern Aurora, Isabela at Cagayan dahil sa TY Ompong

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 08:22 AM SHARE(S):

Nadagdagan pa ang mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signal number 3.

Sa latest bulletin mula sa PAGASA, ang bagyong Ompong ay huling namataan sa 605 kilometers East ng Baler, Aurora.

Nananatili ang lakas ng hangin na taglay ng bagyo na 205 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 255 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Nakataas na ang mga public storm warnings sa sumusunod na mga lugar:

SIGNAL #3

  • Northern Aurora
  • Isabela
  • Cagayan

 

SIGNAL #2

  • Batanes
  • Babuyan group of Islands
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Apayao
  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • La Union
  • Benguet
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Pangasinan
  • Nueva Ecija
  • Nalalabing bahagi ng Aurora
  • Tarlac
  • Northern Zambales

 

SIGNAL #1:

  • Pampanga
  • Bataan
  • Nalalabing bahagi ng Zambales
  • Bulacan
  • Rizal
  • Metro Manila
  • Cavite
  • Batangas
  • Laguna
  • Quezon kabilang ang Polillo Island
  • Northern Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
  • Northern Oriental Mindoro
  • Masbate
  • Marinduque
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Burias at Ticao Island
  • Visayas
  • Northern Samar
  • Mindanao

Dahil sa bahagyang yumuko, sinabi ng PAGASA na maaring sa kalupaan ng Cagayan o Isabela tumama ang bagyong Ompong sa Sabado ng madaling araw at dadaan din ng Ilocos Norte.

TAGS: #OmpongPH, Radyo Inquirer, #OmpongPH, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.