BOC nagpaliwanag sa mga bigas na nabinbin sa mga pantalan

By Ricky Brozas September 14, 2018 - 08:05 AM

Inquirer file photo

Itinanggi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang alegasyon na ang dahilan nang pagtaas ng presyo ng bigas sa pamilihan ay ang mabagal o pagkabalam ng pagpapalabas ng mga kargamento ng Bureau of Customs.

Ayon kay Lapeña, hindi nababalam ang pagpapalabas clearance sa mga iniimportang bigas sa lahat ng port o pantalan sa bansa.

Inatasan nga aniya ang mga district collector na madaliin ang pagproseso sa mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, asukal, karne ng baboy at manok upang makatulong sa paglutas sa suliranin sa supply ng bansa.

Ngunit may pagkakataon aniya na hindi maiwasang magkaroon ng pagbagal lalo na at hindi makumpleto ang clearance procedure ng Customs kung walang import permit mula sa National Food Authority.

Batid aniyang mahalagang-mahalaga ang pagpapalabas ng shipments kaya simulating niya na ang Department of Agriculture at National Food Authority na ilabas ang import permits dahil hindi naman nila ito mailalabas kung wala ang permiso mula sa dalawang ahensiya.

Nilinaw ni Lapeña na bago pa dumating ang rice shipments ay dapat may permit na mula sa NFA ngunit ang nangyayari ay ilang araw nang dumating ang kargamento sa pantalan ay wala pa ang permit mula sa NFA.

TAGS: BOC, NFA Rice, rice shipments, BOC, NFA Rice, rice shipments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.