Sugatan sa ambush ang isang mayoralty candidate makaraan siyang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan sa General Nakar Quezon.
Ang biktima ay si Atty. Eliseo Rozul, nakatatandang kapatid ni General Nakar incumbert Mayor Leo Rozul.
Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni S/Insp. Wilmar Abang, Deputy Chief ng General Nakar Police station na sakay ang biktima ng kanyang Nissan Patrol SUV kaninang alas-dos ng hapon nang biglang barilin ng ilang mga kalalakihan sa Barangay Catablingan sa nasabing bayan.
Tatlong mga tama ng bala sa kanyang mga tuhod ang tinamo ng suspect na mabilis namang isinugod at kasalukuyang ginagamot sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta Quezon.
Kaagad namang sinabi ni Rozul na pulitika ang nasa likod ng tangkang pagpatay sa kanyang kuya na tumatayong official candidate ng National Unity Party sa bayan ng Gen. Nakar.
Isang team na ng mga pulis ang ipinadala sa nasabing bayan ng Quezon Provincial Police Office para magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon.