Serye ng pagsabog na sinundan ng sunog naganap sa magkakahiwalay na lugar sa Massachusetts

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 07:00 AM SHARE(S):
TWITTER PHOTO | Ronnie Forchheimer

May naganap na serye ng pagsabog sa labingpitong magkakahiwalay na lugar sa Massachusetts.

Ayon sa Massachusetts State Police, angn pagsabog ay nangyari sa magkakahiwalay na residential address sa Lawrence, Andover at North Andover towns.

Ang naturang mga pagsabog ay agad sinundan ng malawak na sunog.

Dahil dito, ipinag-utos na ng mga otoridad ang paglikas sa lahat ng mga naninirahan sa nasabing mga lugar.

Iniimbestigahan ng pulisya kung gas leak ang dahilan ng magkakasunod na pagsabog dahil matindi ang amoy ng gas sa lugar ayon sa mga residente.

Sa pinakahuling abiso ng Massachusetts Police, lahat ng residente na ang gas service ay mula sa kumpanyang Columbia Gas ay agad pinalalabas na sa kanilang mga bahay.

TAGS: gas explosion, Massachusetts, Radyo Inquirer, gas explosion, Massachusetts, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.