WATCH: Malakas na hangin nararanasan na sa Sta. Ana, Cagayan

Kuha ni Erwin Aguilon

Nakararanas na ng Malakas na hangin sa Sta. Ana Cagayan bagaman wala pang nararanasan na pag-ulan.

Puspusan din ang paghahanda ng mga residente at lokal na opisyal sa lugar simula pa kahapon.

Ang mga bangka ay inalis na sa pampang.

Samantala, marami na ring pamilya ang inilikas sa iba’t ibang mga bayan sa Cagayan.

Kabilang sa mga pamilyang inilikas ay mula sa sumusunod na bayan:

Aparri
– Brgy. Caagaman 150 katao
– Brgy. Linao 14 na katao
– Brgy. Bisagu – 700 na katao

Pamplona
– Brgy. Bidduang 42 na pamilya
– Brgy. Tupanna 35 pamilya

Lal-lo
– Brgy. San Mariano 615 na katao
– Brgy. Bagumbayan 130 na katao
– Brgy. Sta Teresa 110 katao

Gonzaga 567 na katao
Buguey 100 pamiyla

Nagkaroon na rin ng paglilikas sa mga residente sa coastal area sa bayan ng Sta. Ana.

Read more...