LTFRB pinahihinto ang bus operations na nasa gitna ng peligro dahil sa bagyo

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus operators na ihinto ang mga operasyon sakaling nasa peligro ang buhay ng mga pasahero sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ayon kay LTFRB Chief Martin Delgra III, dapat munang huminto sa pinakamalapit na mga terminals ang mga bus sakaling nasa panganib dahil sa sama ng panahon.

Inatasan din ng LTFRB ang mga drayber, konduktor at operator na tumugon sa pangangailangan ng kanilang mga pasahero sa ganitong mga pagkakataon.

Pinababantayan din nang maigi ni Delgra sa mga regional directors ng Regions 1, 2, 3 at Cordillera ang land operations kada dalawang oras at tuwing kinakailangan hanggang sa Linggo.

Inaasahang magdadala ng malalakas na pag-uulan ang Bagyong Ompong sa Northern at Central Luzon ayon sa PAGASA.

Read more...