Lumobo pa ang bilang ng mga pasaherong na-stranded sa mga pantalan dahil sa banta ng Bagyong Ompong.
Sa impormasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG) as of 8pm kagabi ay umabot na sa 4,000 ang stranded passenger sa mga pantalan sa bansa.
Pinakamarami ang sa Dumaguete Port sa Negros Oriental kung saan mayroong 1,447 passengers ang stranded na sinundan ng Matnog Port sa Sorsogon na may 1,040 passengers.
Bukod dito, sinabi rin ng PCG na may mga sasakyang pandagat ding stranded.
Sa kanilang monitoring, 637 ang stranded na rolling cargoes, 46 ang mga vessels at 36 ang stranded na motorbanca.
Kinansela na ng PCG ang mga biyahe dahil sa sungit ng panahon at kundisyon ng dagat.
MOST READ
LATEST STORIES