Pangulong Duterte, kuntento sa paghahanda ng gobyerno para sa Bagyong #OmpongPH

Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa preparasyon ng mga ahensya ng gobyerno para sa posibleng malawak na pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ito ang sinabi ng presidente sa panayam ng mga mamamahayag sa command conference na mismong siya ang namuno.

Ayon kay Pangulong Duterte, naipaliwanag na sa kanya ang lahat ng mahahalagang detalye tungkol sa preparasyon at ipatutupad na disaster response schemes.

Bukod dito, sinabi ng pangulo na bagama’t maaga pa ay bukas siyang tumanggap ng tulong mula sa ibang bansa sakaling maging sobrang lubha ng pinsala ng bagyo.

Nauna nang sinabi ng Palasyo na inihanda na ng Department of Social Welfare and Development ang P1.7 bilyong halaga ng ayuda at food packs para sa mga pamilyang masasalanta ng bagyo.

Read more...