Christina Aguilera handang maka-duet si Britney Spears

By Justinne Punsalang September 14, 2018 - 12:01 AM SHARE(S):
AP

Game ang American singer na si Christina Aguilera na maka-duet ang isa pang American singer na sinasabing rival nito sa industrya — si Britney Spears.

Sa isang panayam sa isang US talk show, napaisip si Christina kung paano ang buhay nilang mga sikat na celebrity noong 90s kung nagkaroon na ng social media.

Ayon sa singer, dati ay umiikot ang mga hindi totoong ispekulasyon tungkol sa kanya at iba pang mga celebrity, ngunit sakaling mayroon nang social media, aniya, magkakaroon ng sariling pagpapahayag ng katotohanan ang mga celebrity.

Inihalimbawa ni Christina ang kumakalat noon na rivalry nila ni Britney na aniya’y hindi naman totoo.

Katunayan, sinabi ng singer na kung mayroon nang social media noong 90s ay posibleng nagkaroon pa sila ng isang kanta ng kapwa singer.

Sinabi naman ng host ng talk show na si Jimmy Kimmel na hindi pa huli ang lahat upang magkaroon ng duet ang dalawa at doon na sinabi ni Christina na bukas siya sa naturang oportunidad, ‘yon ay kung papayagan din ng kanyang management si Britney.

Sinalubong naman ng cheer mula sa audience ang sinabi ng singer.

Unang nagkasama ang dalawa sa Mickey Mouse Club at nagkaroon din sila ng isang performance kasama si Madonna noong 2003. Ngunit matapos iyon ay hindi na ulit nagsama ang dalawang singer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.