Pilipinas tinalo ng Iran sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
Tinalo ng koponan ng Iran ang pambato ng Pilipinas sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 FIBA World Cup Asian Qualifiers na naganap sa Tehran, Iran.
Natapos ang laro sa iskor na 81-73, pabor sa Iran.
Bagaman natalo, nananatili naman ang Gilas Pilipinas sa top 3 ng Group F matapos magkaroon ng 4-3 win-loss record.
Samantala, sa kanilang 6-1 record ay nasa unang pwesto ngayon ang Iran.
Sa ilalim ng rules ng FIBA, ang top three teams ng dalawang grupo at ang humahabol sa ikaapat na pwesto ay maaaring makasampa sa FIBA World Cup.
Posible pang mas gumanda ang win-loss record ng bansa sa kanilang magiging tapatan ng Qatar sa Lunes na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Si Nik Khahbahrami ang nanguna sa koponan ng Iran matapos nitong makapagtala ng 21 puntos at 8 rebounds.
Para naman sa pilipinas, si Christian Standhardinger ang nanguna sa kanyang naibigay na game-high score na 30 at 12 rebounds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.