Lalaking nag-amok patay sa engkwentro sa mga pulis sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 14, 2018 - 04:37 AM SHARE(S):
Contributed photo

Dead on the spot ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Kinilala ang nasawing lalaki na si Gregorio Bugtong na napag-alamang dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng mga otoridad.

Nabatid din na madalas mag-amok si Bugtong at isa itong miyembro ng ‘Bonnet Gang’ na sangkot sa pagnanakaw at holdupping incidents sa lugar.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., nakatanggap ang mga otoridad ng ulat mula sa isang concerned citizen tungkol sa nagaganap umanong pag-aamok ni Bugtong.

Unang pinaputukan ng suspek ang bahay ng kanyang kapitbahay dahil sa tinanggihan ito sa inuman.

Lumipat naman sa Barangay Batasan si Bugtong at doon na nag-amok.

Pagdating ng mga otoridad, imbes na sumuko ay nakipaghabulan at nakipagbarilan pa ito.

Tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang naging sanhi ng pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa tabi ng bangkay ni Bugtong ang isang kalibre 45 baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.