Residential area nasunog dahil sa naiwang nakasinding kandila sa Caloocan City

Nasunog ang isang residential area sa Barangay 175, Caloocan City, madaling araw ng Biyernes.

Ayon kay Fire Inspector Elyzer Leal na siyang station commander ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP), umabot lamang sa unang alarma ang sunog.

Sumiklab ito pasado alas-11 ng gabi at naapula bandang ala-1:28 ng madaling araw.

Nabatid na naiwang nakasinding kandila ang sanhi ng sunog.

Ayon sa may-ari ng pinagmulan ng sunog na si Francisco Parejo, nagbrownout bandang alas-9 ng gabi, kaya naman nagsindi sila ng kandila.

Maswerte namang walang nasugatan dahil sa naganap na pagliliyab.

Read more...