Internet connection sa Pilipinas tinawag na walang kuwenta ng Telstra CEO

By Den Macaranas October 31, 2015 - 04:04 PM

telstra
Telstra/SMC web photo

Tinawag na walang kuwenta ni Telstra Chief-Executive-Officer Andrew Penn ang internet connection sa ating bansa.

Sa kanyang pagharap sa Investors’ Day sa Australia, sinabi ng CEO ng isa sa pinaka-malaking Telecommunication Company sa nasabing bansa na nakahanda silang maglagak ng $1Billion investment sa Pilipinas.

Inamin ni Penn na nasa final stage na ang kanilang pakikipag-usap sa San Miguel Corporation (SMC) na isa sa pinanaka-malaking diversified conglomerate sa Asya.

Sa ilalim ng proposed joint venture, ang Telstra ang siyang magmamay-ari ng 40-percent ng bubuuing partnership na maglalagay ng mabilis at makabagong internet system sa bansa.

Sa ilalim ng batas, hanggang 40-percent lamang ang maximum allowable ownership para sa isang utility company ang pinapayagan para sa mga foreign corporations at investors.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni SMC President Ramon S. Ang na matagal na nilang hinahangad ang nasabing partnership para maibigay sa mga Pinoy ang mahusay na internet service.

Sa kasalukuyan ay kabilang ang Pilipinas sa may pinaka-mabagal na koneksyon sa internet kung saan ay karaniwang umaabot lamang ito sa 3.63Mbps.

TAGS: Penn, Ramon Ang, San Miguel Corporation, Telstra, Penn, Ramon Ang, San Miguel Corporation, Telstra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.